Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy nagbigti pagkahugas ng plato

0 248

Matapos makapaghugas ng kanilang pinagkainan, winakasan ng 11-anyos na totoy ang kaniyang buhay nang magbigti ito sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas- 10:30 ng gabi nang madiskubre ang nakabigting biktima.

Sa imbestigasyon ni PCpl Mark Philip Paule, alas-8:00 ng gabi, inutusan ng ina ang biktima na maghugas ng kanilang mga pinagkainan.
Matapos ay umalis ang ina ng biktima kasama ang dalawang anak na babae upang maki-charge umano ng cellular phone sa kapitbahay.
Pag-uwi ng mag-iina bumungad na ang nakabigting totoy gamit ang pinagbuhol-buhol na damit.
Naisugod pa ito sa Maclang Hospital subalit idineklara nang dead- on- arrival.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang nagtulak para magpatiwakal ang bata. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.