Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy nakuryente sa footbridge

0 326

Lapnos ang balat ng isang batang kalye na nakuryente umano sa bubong ng Sangandaan footbridge sa Caloocan.

Kuwento ng Facebook user na si Christian Ganal, nakatambak sa nasabing footbridge ang sandamakmak na `utility at wire ng Meralco.’

“Epekto na sablay na proyekto!” komento nito.

Kalakip sa video ni Ganal ang pagbuhat pababa ng footbridge ng ilang sibilyan at otoridad sa naaksidenteng bata.

Habang pilit pinahihiga ang bata sa karton, makikita ang sira-sira nitong damit, at ang napaso nitong mukha, dibdib, mga braso at mga binti.

Ayon naman sa ilang netizen, ang dapat sisihin ay ang bata dahil hindi pa tapos gawin at bawal pang daanan ang nasabing footbridge. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.