Abante Tonite Interactive

Totoy nakuryente sa poste

127

Nakadikit pa sa isang metal post ang bangkay ng sampung taong gulang na batang lalaki makaraang makuryente habang naglalaro sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ayon sa imbestigador ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) na si PO2 Elario Wanawan, nakilala ang biktima na si Erol Agnol y Cailo ng 123 Pinkian 2, Barangay Pasong Tamo ng nasabing lungsod.

Nangyari ang insidente alas-kwatro ng hapon sa tabi ng isang sari-sari store ng nasabing Barangay.

Sa pahayag ni Emilio Agnol, tiyuhin ng biktima umuulan at nagpaalam umano ang bata na lalabas para maglaro subalit pagkaraan ng ilang sandali ay isang kalaro ng biktima ang nagtungo sa kanilang bahay at sinabing nakuryente ang kanyang pamangkin at nakadikit umano sa metal post.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Emilio at tinu­ngo ang lugar at nanghina nang makita ang pamangkin na nakakabit sa posteng metal at dinala sa ospital pero idineklara itong dead on-arrival.

Tonite – Wendys Inhouse Ad