Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy pinapak ng beki kapalit P150

0 438

Iskup ni Nancy Carvajal

Inireklamo ng kasong sexual assault sa 15-anyos na binatilyo ang coordinator ng youth organization and project ng munisipalidad ng Carmona, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Rustico Casukay, 43, kilala rin sa alyas na ‘Bubbles’ at ‘Bula’.

Ayon kay National Bureau of Investigation – Special Action Unit Agent Melvin Escurel, mahigit isang taon ang ginawang pang-aabuso sa binatilyo, na nagsimula noong Oktubre 2019, hanggang sa madiskubre ito ng nakatatandang kapatid ng biktima noong nakaraang taon nang makita nito ang social media account ng biktima na may mga hubad na larawan.

Dagdag pa ni Esculer, makailang ulit umanong pinigilan ang pamilya ng biktima para magsampa ng kaso, pero desidido ang mga magulang ng menor de edad na magreklamo laban kay Casukay.

Sabi ng pamilya ng biktima sa NBI, nasa posisyon umano ang suspek para makapangbiktima pa ng iba, at ayaw na umano nilang mangyari sa iba ang ginawa sa kanilang anak.

Batay sa salaysay ng biktima, nakilala niya si Casukay sa isang barber shop malapit sa kanilang tahanan. Nagpakilala umano ito bilang municipal employee at coordinator ng mga youth project.

Sinundan umano siya ng suspek sa labas ng barber shop at hiningi ang kanyang phone number, kinaibigan siya, sinundo sa eskwelahan at nilibre ng pagkain.

Matapos ang ilang beses nilang paglabas, inimbitahan umano ng suspek ang menor de edad sa kanyang bahay kung saan nangyari ang pangmomolestya.

Ayon sa biktima, kada matatapos ang insidente ay binibigyan siya ni Casukay ng P150 hanggang P200 bilang pamasahe.

Dahil naman sa lockdown, nagkaroon ng pagkakataon ang biktima para tanggihan ang imbitasyon ni Casukay sa bahay nito. Gayunman, sinundan pa rin siya nito sa social media at inutusan siya na magsagawa ng virtual sexual act.

Sa kabila naman ng mga subpoena ay bigo si Casukay na humarap sa mga imbestigador. Nahaharap ito sa Sexual Abuse in relation to Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa ilalim ng RA 7610.

Leave A Reply

Your email address will not be published.