Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy sinikmuraan, sinakal ng tinedyer

0 102

Kalaboso ang isang tinedyer na construction worker sa Naga City, Cebu matapos mapikon sa 7-anyos na kapitbahay dahil wala umanong manners.

Ayon sa ulat, sinuntok sa tiyan ng suspek na si Daniel Echavez, 19 ang biktima, sinakal, binuhat at idiniin ang mukha sa bakod sa Purok Onion, Barangay South Poblacion noong Pebrero 26.

Sa pag-iimbestiga kay Echavez, sinabi niyang inatake niya ang bata dahil wala itong galang, pero hindi na niya ipinaliwanag pa ang dahilan.

Napadaan umano si Echavez sa lugar kung saan naglalaro ang bata na lumapit sa kanya, at maya-maya pa ay bigla nang nagalit ang una at sinaktan ang biktima.

Nakapagsumbong ang bata sa kanyang ama at nahaharap ngayon si Echavez sa kaukulang kaso. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.