Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy tigok sa bugbog ng kawalwal

0 90

Maagang binawian ng buhay ang isang totoy nang bugbugin ng kanyang mga nakatoma sa Panay island.

Sa report ng pulis, naitala ang insidente sa Mabusao, Capiz kung saan namatay ang 16-anyos na totoy nang pag-uumbagin ng kanyang mga nakainuman noong Linggo.

Pauwi na sana ang biktima at mga suspek at galing sa walwalan sa isang birthday party nang maghamon ng away ang isa sa mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinangkang umawat ng biktima na lalo pang nauwi sa rambulan.

Dahil sa tinamong pambubugbog, hindi na nakarating ng buhay ang binatilyo sa ospital.

Arestado naman ang dalawang suspek nasa edad 20 at 31. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.