Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy tinangay ng alon, dedo

0 57

Pumanaw ang isang totoy nang malunod habang naglalaro sa gilid ng ilog sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Justine An­tonio, 9 taong gulang, taga-Barangay Daang Hari ng nasabing siyudad.

Sa report, alas-12:30 Huwebes ng tanghali, naglalaro ang biktima sa Riverside, Estrella Bridge sa Ba­rangay East, Navotas City kasama ang nakatatandang kapatid niya na si Cyanne, 10.

Malakas ang ulan ng mga sandaling iyon at nakabitaw umano sa lubid ang biktima kaya dumiretso sa gitna at tinangay ng malakas na alon.

SM food to go Banner Ad

Sinikap pa ni Cyanne na hatakin ang lubid para mailigtas ang utol pero nabigo ang nauna.

Humingi ng tulong ang kapatid sa kanilang ama subalit hindi na nakita ang mas batang anak.

Tumulong na rin sa paghahanap ang Navotas Di­saster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard. Alas-tres na ng hapon nang makuha ang labi ni Justine. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.