Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totoy todas, 5 nasabugan ng tangke

0 207

Nasawi ang isang 10-anyos na lalaki habang lima pa ang sugatan matapos sumabog ang isang tangke na ginamit sa paggawa ng lobo sa bayan ng Norala, South Cotabato noong Linggo.

Sa ulat ng PNA, sinabi ni Maj. Bernie Faldas, hepe ng Norala Municipal Police Station, na nangyari ang insidente pasado alas-9:00 ng umaga sa bahay ng pamilya Rapista sa Sub-Purok Bliss, Purok Reloquemas, Barangay Poblacion.

Aniya, katatapos lamang ng pamilya ng tindero ng lobo na si Neilfren Cabuhay, 40, na gumawa ng lobo nang biglang sumabog ang tangke.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dineklarang dead on arrival sa Norala District Hospital ang nakababatang kapatid ni Neilfren na si Jeffen John Cabuhay, 10, dahil sa tinamong malalang pinsala sa katawan.

Nagtamo rin ng mga pinsala sa katawan ang asawa ng vendor na si Geralden, 39, anak na sina Aldrin 10, Chloe, 8 at isa pang kaanak na si Tanya Emerson, 10.

Ani Faldas, batay sa mga witness, isa sa mga biktima ang naiulat na naglagay ng hindi pa batid na kemikal at pinuno ang tangke bago nangyari ang insidente.

“The investigation is still ongoing and we’re mainly determining the chemicals that caused the explosion,” saad ni Faldas. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.