Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tourism industry sa PH, muling sisigla

0 133

Inihayag ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang layunin na muling ibalik o itayo ang local tourism industry na mas matatag, mabigyang ng proteksiyon ang kabuhayan at maging ang mga mangagawa o trabahador.

Ito ang mensahe ni DOT Secretary Bernadette Puyat sa selebrasyon ng ‘World Tourism Day’ na may temang “Tourism for Inclusive Growth.”

Sinabi niya na ang layunin na ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng “deepening the roots of community engagement, capitalizing on the country’s strengths” at mga aktibidad mula 2021 hangang kalagitnaan ng 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anang kalihim, ang nasabing tema ay www.buyvaliumonline.com bilang suporta sa pananaw ng DOT para sa “better normal” at nakahanay sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa pagtukoy at pagkakaroon ng disenteng trabaho at pag-unlad ng ekonomiya.

“This crisis has highlighted the opportunity for the Philippines’ tourism industry to build back better, shifting its narrative toward resilient, inclusive, and sustainable growth,” paliwanag ni Puyat.

Sinabi pa ni Puyat na ipagpapatuloy ng DOT ang pagbabakuna sa tourism workers, pagpapatupad ng health and safety guidelines, at kaunlaran ng “tourism products and circuits”para sa pagbabago ng mga kagustuhan sa gitna ng nararanasan COVID-19 pandemic. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.