Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Town center sa SoCot muntik pasabugin

0 47

Napigilan ng mga sundalo at pu­lis ang sinasabing plano sanang pam­bobomba at pagpasok ng matataas na uri ng pampasabog sa Banga, South Cotabato.

Sinabi ni Col. Jemuel Siason, South Cotabato police director, na inaresto ang mga hinihinalang mga komunistang terorista na sina Merlyn Guisan, 42-anyos; Ronald Bansil, 27; at Andy Gelodin, 30, ng mga miyembro ng 5th Special Forces Battalion, isang unit sa ilalim ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, sa checkpoint sa Brgy. Lamba.

“The suspects were on board a motorcycle and told soldiers man­ning a checkpoint that they were heading to the town center.”

SM food to go Banner Ad

Napansin ng mga sundalo sa pamumuno ni Sgt. Douglas Bersamin Jr., na atubili at aligaga ang isa sa mga suspek nang inspeksyunin ang back­pack kung saan may nakita umanong MK2 fragmentation grenade at im­provised explosive device na may cellphone bilang trigger mechanism.

Giit ni Siason, “These explosives are commonly used by the com­munist New People’s Army (NPA) operating in this province.”

Ang tatlo ay nakadetine na sa Banga Municipal Police detention facility at mahaharap sa kasong ‘pos­session of explosives.’ (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.