Abante Tonite Interactive

Townhouse gumuho, 2 worker nalibing

405

Nasawi ang dalawang­ construction worker habang isa ang sugatan makaraang matabunan ng lupa, nang gumuho ang isang bahagi ng ginagawang townhouse sa Panorama Hills, Brgy. Cupang, Antipolo City, Sabado nang hapon.

Ayon sa Antipolo Police, hinuhukay ng mga construction worker ang pundasyon ng gusali nang biglang gumuho ang 10 talampakang pader ng lupa at natabunan ang mga ito.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktimang sina Rafael Ferreras at Rian Gabac ngunit idineklarang dead-on-arrival habang sugatan ang isa nitong kasamahan na nakilalang si John Matugas.

Nabatid na wala pang kaukulang dokumento at business permit mula sa lokal na pamahalaan ng Antipolo ang ginagawang gusali at posible aniyang managot ang contractor nito. (Vick Aquino)