Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 kaanak ni Towns patay sa pandemya

0 155

Binunyag ni National Basketball Association (NBA) star Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves, na pito na sa kanyang pamilya at kaanak ang mga namatay na sa may siyam na buwan na sa mundo na pamemerwisyo ng pandemya.

Nangunguna sa listahan ang kanyang inang si Jacquelinine Town na yumao noong Abril dahil sa komplikasyon sa Coronavirus Disease 2019, samantalang ang pinakahuli ay ang kanyang tiyuhin na itinawag lang sa kanya pero nakumpirma na rin niya Lunes ng gabi.

“I’ve seen a lot of coffins in the last seven months, eight months. But I have a lot of people who have — in my family and my mom’s family — who have gotten Covid,” lahat ng 25-year-old, 6-foot-11 center/forward.

Kaya hinirit pa ng two-time league All-Star at incoming six-year pro na mabigat na haharapin niya ang parating na kampanya sa 75th NBA 2020-21, at tinagubilinang mabuting pag-iingat ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, at maging ang publiko. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.