Abante Tonite Interactive

Towns, Bell pangungunahan ang angas ng Timberwolves

0 256

Key Players: Jeff Teague, Karl-Anthony Towns, Andrew Wiggins

Roster: Keita Bate- Diop, Robert Covington, Gorgui Dieng, Treveon Graham, Jake Layman, Kelan Martin, Jordan McLaughlin, Shabazz Napier, Josh Okogie, Tyrone Wallace.

Key Addition: Jordan Bell (Free Agency), Jarret Culver (2019 NBA Draft), Jaylen Nowell (2019 NBA Draft), Jordan Murphy (2019 NBA Draft, Undrafted), Naz Reid (2019 NBA Draft, Undrafted), Lindell Wigginton (2019 NBA Draft, Undrafted)

Rank – 11th in Western Conference

Record – 36-46

Coach – Ryan Saunders (interim)

Di man nakatuntong ang Minnesota Timberwolves sa 73rd National Basketball Association 2018-19 playoffs, maaring makaarangkada ito sa bago nilang interim coach na si Ryan Saunders sa parating na bagong season sa buwang ito.

Kilalang player motivator si Saunders nang nasa Washington Wizards pa.

Malaking adjustment ang nangyari sa team tapos ang trade demand na ginawa ni key player Jimmy Butler.

Napilay ang Timberwolves dahil lahat ay bumalikat kina veteran players Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins na ngayon ay kapos na sa efficiency.

Pero maski ‘di consistent bilang reliable shooter, aasahan pa rin ng Minnesota si NBA All-Star Jeff Teague bilang starting point guard. Sasandalan pa rin ng Minnesota ang veteran guard para assists o plays kaysa sa pumuntos.

Patutunayan naman ni Robert Covington na may malaking parte siya sa kampo dahil sa pambulagang career-high 14.5 points kasama ang 1.5 assists at 5.7 rebounds kahit sa kakarampot lang na playtime sa nakaraang komperensiya.

‘Di rin papaungos si veteran center Karl- Anthony Towns tapos maging consistent sa pagiging healthy big man para sa Timberwolves sa average na 24.4 points, 3.4 assists at 12.4 rebounds last year at ‘di malabong tumaas pa ito dahil sa pagiging dominante niya sa shaded area.

Ang pagkuha pa kay Jarrett Culver sa 2019 NBA Draft ang masasabing big move para sa Timberwolves. Isa si Culver na maikokonsiderang versatile guard dahil na sa kakaibang karakas sa pagdepensa at potensiyal din sa opensa.

‘Di maikakailang jackpot at isa si Jarrett sa lucky pick ng Wolves bilang prime player ng Big XII na may Player of the Year honor tapos mag-ambag ng kabuuang 18.5 points, 3.7 assists, at 6.4 rebounds sa liga. (Aivan Episcope)