Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Towns itatapon ng Wolves

0 85

Sa 2024 pa magiging unrestricted free agent si Karl-Anthony Towns, base sa kanyang kasalukuyang kontrata ay nakatali pa sa Minnesota sa susunod na tatlong seasons.

Pero may ugong na ite-trade siya.

Kung sakali, maraming maglalaway kay KAT.

Siya ang big man na maliksi, stretch dahil may tira sa labas. Hindi rin basta-basta naipagtutulakan ang kanyang 6-foot-11 frame sa paint.

SM food to go Banner Ad

Solidong double-double machine si Towns sapul nang pumasok sa NBA bilang No. 1 pick ng Timberwolves noong 2015. Buong career, nag-average ang 25-year-old ng 22.9 points at 11.6 rebounds per game.

‘Yun lang, hindi niya naitulak bilang contender sa Eastern Conference ang Timberwolves. Sa termino ni Towns, isang beses lang nakarating sa playoffs ang Wolves.

Tsismis pa lang naman ang sinasabing trade, pero marami ang nag-aabang. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.