Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toxic pampaputi product talamak sa Pasay

0 62

Siniwalat ng toxic watchdog na EcoWaste Coalition (EWC) na laganap umano sa Pasay City ang bentahan ng imported skin whitening product na nagtataglay ng mataas na antas ng kemikal na mercury.

Ayon sa EWC, ito ay malinaw na paglabag sa consumer protection at health law. Ang nabanggit na produkto ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) kaya hindi dapat umano ibenta sa merkado.

Bukod pa sa nagtataglay ito ng mercury na mas mataas sa limitadong one part per million alinsunod sa direktiba ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD).

Nalaman na nagsagawa ang grupo ng test-buy noong Setyembre 7 sa Baclaran Terminal Plaza Mall at base sa isinagawang chemical screening ng grupo, nalaman na ang Parley Beauty Cream ay may 12,400 ppm of mercury; ang Golden Pearl Beauty Cream (gold box) ay 11,400 ppm; habang ang Golden Pearl Beauty Cream (yellow box) ay may 10,100 ppm; at sa Morning Face Beauty Cream ay may 5,254 ppm.

Ang mga naturang produkto ay manufactured sa Pakistan base sa nakalagay sa kanilang label. Nabatid na nagpalabas ng ban ang FDA sa Parley Beauty Cream at Golden Pearl Beauty Cream (yellow box) noong 2019 at 2014, dahil sa pagtataglay ng mataas na level ng mercury at kawalan ng kinakailangan na cosmetic product notification.

Bukod sa nabanggit na prdukto, may iba pang ipinagbabawal na produkto ang ibinebenta sa nabanggit na mall, kabilang na ang Collagen Plus Vit E Day & Night Cream and Goree Beauty Cream, na nai-ban na ng FDA noong 2017.

Nabatid na ang mercury ay isang nakakalason na substance na maaringumatake sa utak at central nervous system, kidneys at sa renal system, heart at cardiovascular system, gayundin ang endocrine system at hindi na pinapayagan ng ACD na gawing sangkap sa mga cosmetics product. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.