Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toxicology report tapos na – Guevarra

0 74

Inianunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tapos na ang toxicology report ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera na natagpuang walang buhay sa bath tub ng isang hotel sa Makati City noong Enero1, 2021.

“I will leave it to them to disclose their findings. I understand that they have requested a certain specimen from the PNP and copies of Ms dacera’s medical records to complete the whole picture,” ayon kay Guevarra.

Nabatid na tumangging magbigay ng detalye si Guevarra kaugnay sa nabanggit na report ng NBI.

Si Dacera ay natagpuang walang malay sa bathtub ng City Garden Hotel sa Makati City na kanilang inokupa matapos ang New Year’s Eve party kasama ang mga kaibigan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.