Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toy Story ang peg! Spo ‘di nagpahuli sa Halloween

0 106

Deserve ni NBA coach Erik Spoelstra ng Miami Heat ang pahinga kasama ang kanyang pamilya.

Kaya naman sinusulit niya ito ngayon at naki-join sa pagsuot ng costume para sa Halloween.

Related Posts

Sa Instagram post Linggo ng kanyang asawang si Nikki, pinakita ang kanilang Toy Story-themed na costume kung saan nagbihis ang Fil-Am coach na si Woody, ang bida sa naturang animated film.

Naging si Bo Peep naman si Nikki, at ang kanilang dalawang cute na tsikiting ay naging sina Buzz Lightyear at Rex.

“We love Toy Story in our house, and this year happens to be the 25th anniversary of the first Toy Story film!” paliwanag ni Nikki kaya Toy Story ang napili nilang peg ngayong Halloween. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.