Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toyota binawi Supra sa palyadong preno

0 59

May panibagong pinare-recall ang Toyota Motor Philippines Corporation (TMPC) sa kanilang mga binebentang sasakyan.

Mga Toyota Supra model naman na may makinang 3.0L ang pinare-recall ng TMPC.

Sa sulat kay Department of Trade and Industry (DTI) Director for Consumer Protection and Advocacy Bureau Melquiades Marcus Valdez II, tinimbre ni TMPC first vice president Rommel Gutierrez ang recall ng Toyota Supra model na ginawa mula Marso 29, 2019 hanggang Hunyo 5, 2020.

Ito’y para palitan ang vacuum pump ng mga ito.

Ayon sa TMPC, 176 na sasakyan ang apektado.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Gutierrez, sa pag-start ng makina minsan, maaaring masira ng engine management software ang oil/vacuum pump na kailangan kapag nagbi-brake o humihinto ang sasakyan.

Kapag nangyari umano ito, maaaring maging mas matagal ang paghinto ng sasakyan pagtapak sa pedal ng brake at maaring mabunggo ito.

Sabi ni Gutierrez, gagawin ang recall para ma reprogram ang engine control unit ng sasakyan at gagawin ito ng walang gagastusin ang mga may-ari.

Kamakailan lamang ay libo-libong unit naman ang ni-recall ng TMPC dahil sa problema sa fuel pump. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.