Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toyota Fortuner ni doc inararo tindahan, patrol car

0 183

Sugatan ang isang service crew member habang nadamay pa ang isang tindahan at isang police mobile patrol nang araruhin sila ng sasakyan ng isang doktor, Biyernes sa Cavite City.

Ginagamot ngayon sa Bautista Hospital ang biktimang si Jerson Abalos, store crew ng Senor Pedro ng P. Burgos Avenue, Caridad habang nasira ang ilang bahagi ng tindahan at ang police mobile patrol na isang Toyota Hilux.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinagot naman lahat ng gastos ng pagpapaospital at pagpapaayos sa nasirang tindahan at mobile patrol ni Edward Soriano, 58-anyos na doktor ng Caridad, Cavite City at driver ng Toyota Fortuner na may conduction sticker na P9Y 026.

Sa ulat ni P/SMSgt. Jonathan Baclas ng Cavite City Police Station, binabagtas ni Soriano ang kahabaan ng nasabing avenue dakong alas-6:30 kamakalawa ng umaga patungo sa direksiyon ng Cabuco Street nang masagi niya ang mobile patrol ng Cavite CPS.

Dahil sa pangyayari, lalo umanong bumilis ang pagpapatakbo ni Soriano ng sasakyan kaya dumiretso siya sa nasabing tindahan at nadamay si Abalos na nasa loob nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.