Abante Tonite Interactive

Toyota PUV mukhang food truck

246

Sumablay sa mata ng publiko sa unang pagkakataon (kung hindi ako nagkakamali) ang Toyota Motors Phi­lippines nang ilunsad nito ang sari­ling bersiyon ng mo­dernized jeepney.

Totoo naman kasi na kahit sa unang tingin pa lamang ay hindi na uubra na pampasada bilang pamalit sa mga dyip ang To­yota Hilux pickup na kinabitan ng saradong kaha sa likod para maipuwesto ang mga pasahero.

Halatadong minadali ng To­yota ang naturang disenyo dahil bagama’t sila ang pinakamaraming sasakyan na tumatakbo sa mga kalye sa bansa, sila na lamang ang hindi nakakapaglabas ng disenyo para sa mo­dernized PUVs.

Marahil ay nakantiyawan nang matindi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang To­yota kaya ura-uradang naglabas ng modelo.

Pero sa halagang halos umaabot na rin ng P1 milyon kada unit, kung ako naman ang operator ng pampasadang sasak­yan, mas gugustuhin ko na lang siguro na kumuha ng Hiace commuter van at ibang kauri na mga sasakyan.

Mas maporma, at mas kompor­table kasi ang mga pasahero sa van kumpara sa moder­nized jeep ng Toyota kaya kung gagastos lang din naman ako, doon na ako sa hindi ako mababaterya ng mga pasahero ko.

Hindi kasi porket nag-aalok ka ng aircon na sasakyan ay sapat na ito para masabing nakiisa ka sa programa ng gobyerno para maiangat ang kalidad ng commu­ting system.

Uubra siguro ang modelong ‘yan sa mga negosyong jollicart o yaong mga nagtitinda ng ulam sa loob ng Makati CBD dahil puwede itong malagyan ng isang mesa sa loob na puwedeng mapuwestuhan ng mga gustong mag-dine in at lagariin na lamang ang gilid sa kanan upang makabitin ng eskaparate ng mga ulam.
Ayos ba?