Abante Tonite Interactive

Toyota umamin sa palpak na Alphard at Coaster; Hyundai, Mitsubishi dedma

573

Ayan, umamin na ang Toyota na may sablay ang safety features ng ilan nilang sasakyan na inilabas at ngayon ay tumatahak sa iba’t ibang lansangan ng Pilipinas.

Mismong ang pamunuan na ng naturang automobile company sa sangay nito sa Pilipinas ang humingi ng paumanhin para sa mga sasakyang Alphard at ang pangmaramihang To­yota Coaster.

Aminado si TMPC Vice President Rommel Gutier­rez na sumablay ang mga seat belt ng mga naturang sasakyan inilabas mula sa planta sa pagitan ng Agosto 20, 2019 hanggang Setyembre 6, 2019.

Natural lamang kasi na kapag sablay ang seatbelts, puwedeng mabukulan, mabalian o tuluyang mamatay ang mga pasahero ng mga nabanggit na sasakyan kapag ang mga ito ay nasangkot sa malulupit na aksidente sa lansangan lalo na kapag nataong tumatakbo sila ng matulin.

Naghintay pa na mabaterya at agad na sinulatan ng TMPC ang DTI kasabay ng pag-umpisa ng recall sa mga nabanggit na sasakyang released sa mga tinukoy na petsa.

Marami rami ring sasak­yan ang apektado ng recall dahil ito ay kinapapalooban ng 80 na To­yota Alphard at pitong Coaster.

Posibleng nagkaproblema dahil sa pag-assemble ang mga piyesa ng mga seatbelt ng mga ito kaya ipinapabalik muna ang mga sasakyan upang mapalitan ng mga mga corrected one na.

Sa ngayon, nagmagandang loob na ang Toyota para hindi na lumaki pa ang kanilang problema.

Pero hindi sila nagpaliwanag sa nangya­ring pagwawala ng isang Fortuner sa bahagi ng Baclaran kamakailan lamang

Ang tanong ngayon, kailan kaya mag-aala-Toyota ang Hyundai, at aminin ang depekto ng H350 Van nila?

Hindi lang kasi si Claudine Barreto ang naimbiyerna dahil bukod sa kanya ay marami pang nakabili ng nabanggit na sasak­yan na magpahanggang ngayon ay kakaba-kaba at iniisip kung titirik ba sila.

Ang Mitsubishi, sa kabilang banda ay tahimik din sa kabila ng mga insidente ng SUA sa Quiapo.

Naghihintay ng paliwanag ang madlang pipol.
Ayos ba?