Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador binastos 14-anyos, kalaboso

0 55

Swak sa piitan ang construction worker nang dakmain ang kaselanan ng 14-anyos na babae habang bumibili ito sa tindahan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Agad ring dinakma ng mga tanod ng Brgy. Commonwealth na sina Ramil Lacsi, Mark Justin Gho at Ariel Deloria ang suspek na si Ronnie Delgado, 48, may asawa, construction worker at residente ng Brgy. Commonwealth.

Sa report ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang maganap ang pambabastos sa Steve St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg. Maricel Quinto, nagtungo sa tindahan ang biktima kasama ang pinsan nitong lalaki upang bumili ng all-purpose cream na gagamitin sa kaarawan ng ina nito.

Habang nasa tindahan ay sumulpot ang suspek at biglang hinawakan ang kaselanan ng dalagita na nakita ng pinsan kaya agad silang nagsumbong sa mga tanod ng nasabing barangay.

Dahil dito ay agad inaresto si Delgado at itinurn-over sa himpilan ng pulisya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.