Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador kinatay ng kainuman

0 202

Dedbol ang isang construction worker matapos siyang tadtarin ng taga ng kanyang kainumang katrabaho sa Padre Garcia, Batangas Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Edwin Colambo, 44 anyos.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-7:30 ng gabi nang magkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek na si Jhonjie Fos, 51, kasama ang iba pang mga katrabaho habang sila’y nag-iinuman sa isang bahay sa Brgy. Tangub.

Naawat naman sila ngunit nang magsipag-alisan ang kanilang mga kainuman at naiwan ang dalawa ay biglang naglabas ng itak ang suspek at walang awang pinagtataga ang biktima.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Colambo samantalang sumuko naman sa kapitan ng barangay si Fos na nahaharap ngayon sa kasong homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.