Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador na Pinoy sa Czech Republic tinaasan sahod

0 220

Madadagdagan na simula sa susunod na taon ang maibubulsang suweldo kada buwan ng mga manggagawa sa Czech Republic kabilang na ang mga Pilipino.

Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tinaasan ng Czech Republic ang kanilang monthly minimum wage.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inanunsyo ng Ministry of Labor and Social Affairs na makakatanggap na ang mga manggagawa ng monthly minimum wage na 15,200-30,400 Czech koruna o mahigit P33,000 hanggang P67,000 base sa job classification ng mga ito.

Kabilang sa tumatanggap ng minimum wage sa Czech Republic ang mga kitchen helper, tagalinis, scaffolder, kasambahay, waiter at delivery man.

“The new minimum wage rates are still subjected to deductions for income tax and social security contributions as reminded by the Czech Republic,” paglilinaw naman ng POEA. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.