Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador na snatcher, timbog

0 278

Arestado ang isang construction worker nang inguso siya ng mga nakasaksi sa kanyang panghahablot ng bag sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Mark Francis Playda, 25-anyos. Ayon sa ulat, nahuli si Playda alas-singko ng Sabado ng hapon sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Industrial Valley Complex.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), nag-aabang ng masasakyang jeep ang biktima na si Kimberly Rose Morales, 27, kasama ang katrabaho na si Justine May Navarro, 22, kapwa bank teller, nang biglang hablutin ng suspek ang shoulder bag ni Morales at mabilis na tumakbo palayo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero dahil maraming nakakita sa insidente at nakakilala sa suspek, agad siyang nalambat ng mga rumespondeng barangay tanod na sina William Destreza at Evan Garlo Nuque ng Brgy. Barangka.

Narekober ang shoulder bag ng biktima at ang laman nitong cellphone, wallet, iba pang mahalagang dokumento.

Nakuha pa mula sa suspek ang isang kitchen knife. Kasalukuyan itong nakakulong sa Marikina detention cell at sinampahan ng kasong robbery snatching at BP 6 o illegal possession of deadly weapon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.