Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador nabagsakan ng semento, tsugi

0 87

Nasawi ang isang 34-anyos na quality control ng isang construction company nang mabagsakan ng slab sa ulo habang nag-iinspeksiyon sa isang site sa Kawit, Cavite, Huwebes ng umaga.

Dinala pa sa Binakayan Hospital si Randy Panao Serceña, 34, isang Quality Control sa Tokwing Construction Company, subalit namatay din habang ginagamot.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni P/MSg. Erwin Clerigo ng Kawit Police Station, nagsasagawa ng concrete sampling inspection ang biktima sa Building 9 ng Melbuilt company alas-otso kamakalawa ng umaga nang mahulog ang isang slab o semento na may bigat na 4.5 kilo mula sa pagkakakabit sa flooring sa 11th floor at bumagsak sa kanyang ulo.

Ayon kay Clerigo, walang hard hat ang biktima nang maganap ang insidente. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.