Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabahador tinadtad ng bala

0 57

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang 20-anyos na construction worker habang naglalakad sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Patay kaagad sa pinangyarihan ng krimen si Marlon Santiago, may live-in partner, ng No. 87 Acero Street, Barangay Tugatog ng lungsod sanhi ng mga tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa paunang imbestigasyon ni PSSgt. Jose Romeo Germinal ng Station Investigation Unit (SIU) ng Malabon Police, alas-2:00 ng hapon habang naglalakad sa Plata Street, Barangay Tugatog ang biktima papasok sa trabaho nang biglang sumuplot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Bumaba ang sakay sa likuran saka walang habas na pinagbabaril si Santiago.

Narekober sa crime scene ni P/ Capt. Sonny Boy Tepace, ng SOCO, ang pitong basyo ng bala at isang deformed bullet.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.