Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabaho, klase sa UST sinuspinde

0 180

Sinuspinde ng University of Santo Tomas (UST) sa Maynila ang kanilang trabaho at klase hanggang Abril 11, Linggo, dahil sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

“In order to allow our stakeholders to focus on their health and family concerns in light of the spike in COVID-19 cases, the suspension of classes and office work is extended to Sunday, April 11,” saad sa advisory ng Office of the Secretary General ng UST.

SM food to go Banner Ad

Noong weekend ay kinansela ng unibersidad ang onsite work hanggang Abril 11.

Ito’y kasunod na rin ng pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa NCR plus bubble na lugar.

Kasama sa bubble ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.