Abante Tonite Interactive

Trabaho ni Duterte, kaya ni Robredo – Noynoy

840

Kumpiyansa si da­ting Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na kayang hawakan ni Bise Presidente Leni Robredo ang posisyon ng Presidente sakaling magbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

“I’m very confident that she can (handle the presidency),” pahayag ni Aquino sa mga reporter nang makapanayam sa paggunita sa ika-35 taong kamatayan ng kanyang amang si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. sa Manila Memorial Park sa Su­cat, Parañaque City.

Ginawa ni Aquino ang reaksyon kasunod ng naunang pahayag ni Duterte na bababa lang siya sa puwesto kung ang papalit sa kanya ay katulad ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Senador Chiz Escudero.