Abante Tonite Interactive

Trabaho ni Romeo, gagaan sa San Miguel

183

Mababawasan ng pasanin sa opensa si Terrence Romeo pagdating niya sa San Miguel Beer.

Kung dati ay No.1 offensive option si Romeo sa GlobalPort (NorthPort na ngayon) bago napunta sa TNT KaTropa kaya kailangang magtrabaho nang husto.

Sa San Miguel ay petiks na lang siya dahil loaded ang koponan sa mga scorer sa pangunguna ni four-time Most Valuable Player June Mar Fajardo, idagdag pa sina former MVP Arwind Santos, sophomore Christian Standhardinger, Alex Cabagnot at Chris Ross.

Abante Hiring – IT dep

“Excited ako at saka mas mapapadali ‘yung buhay ko kasi kapag nag-pick and roll ako, hindi na nila ako puwedeng i-trap kasi malilibre si Kuya Arwind,” paliwanag ni Romeo matapos ang ensayo kasama ang koponan.

Kuwento pa ng three-time scoring champion, move on na siya sa mga kontrobersiya at ibubuhos na lahat para sa bagong koponan.

“Ako, sa totoo lang, hindi ko pinapansin ‘yung mga ‘yun kahit ‘yung mga basher at lahat ng sinasabi nila. Hindi ko talaga pinapansin,” sabi pa ni Romeo sa pa­nayam ng Spin.ph.

Nagpapasalamat din siya sa suportang ipinaparamdam sa kanya ni Santos, na kapwa niya dating FEU Tamaraw.

“Masaya ko na nandoon ‘yung suporta niya (Santos) sa akin. At the same time, hindi na lang more on salita. Ipapakita ko na lang sa game ko kung ano ‘yung magagawa ko,” panapos ni Romeo.