Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trabaho scam pakana ng international syndicate

0 73

Ipapatawag ng National Privacy Commission‘s (NPC) ang mga data protection officer at ilang bangko makaraang lumitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ang scam texts ay pinapatakbo ng global crime syndicate.

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund E. Liboro, kailangan nilang ipatawag ang nasabing mga kompanya upang idetalye ang kanilang kasalukuyan at hinaharap na mga hakbang upang maiwasan at malabanan ang mga spam at scam text.

“If our initial findings prove true, that personal data is being exploited by criminals abroad, then this also becomes a matter of national security, which should compel government, the private sector and advocate groups to work hand in hand and take more urgent and concrete action to safeguard,” pahayag ni Liboro.

“Napakalaking scam po ito. Sa aming pag-mo-monitor, hindi lamang ito nangyayari sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ito po ay ginagawa po ng isang organized syndicate,” sabi ni Liboro.

Dagdag niya, walang direktang ebidensiyang magpapatunay na sa contact tracing forms nakukuha ang cellphone numbers ng mga tao kundi sa ibang paraan.

Naunang binunyag ni Senador Joel Villanueva ang SMS scam na nag-aalok ng trabaho na may mala­king sahod at komisyon.

Ayon sa senador, binaha ang social media ng mga reklamo ng mamamayang nakatanggap ng mga job offer na ito sa text. ­(Eileen Mencias/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.