Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Track and field pondo, iba pa pinahahalukay

0 142

Itinutulak ng isang mambabatas ang pagsasagawa ng special audit sa pondo ng gobyerno na mga napunta sa Philippine Athletics Track and Field Association at iba pang national sports association.

Ayon Miyerkoles kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortu, hindi sapat ang panawagang special election upang palitan si Patafa president Philip Ella Juico kahit isa itong magandang panimula sa pagbabago.

SM food to go Banner Ad

Mariing hinirit ng Mindanao na lalong hindi nakabuti ang pagsibak ng Patafa kay world class pole vaulter Ernest John Obiena sa national team lalo’t isang medal potential ang atleta. Sa halip aniya, alamin dapat ang mga pinatutunguhang pondo ng bawat NSA mula sa gobyerno. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.