Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tracker team binuo kontra 9 pulis sa Jolo rubout

0 114

Bumuo na ng tracker team ang Philippine National Police (PNP) na siyang hahabol sa kinaroroonan ng siyam na dating pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na Army intelligence operatives nitong nakaraang taon sa Jolo, Sulu.

“Meron na kaming mga trackers na in-organized at kasama doon sa trackers, of course yung negotiation approach para lumabas sila ng kusa para mapabilis ang pag surrender nila,” pahayag ni PNP chief Gen. Debold Dinas.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa ni Sinas, mayroon nang arrest warrant laban sa siyam na dating pulis ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) at isinilbi na ito subalit wala sa kanilang bahay ang mga suspek.

Panawagan naman ni Sinas sa siyam na kung naniniwala silang wala silang kasalanan ay dapat na silang sumurender upang malinis ang kanilang pangalan, subalit kung hindi sila susuko ay mapipilitan na ang pulisya na arestuhin sila bilang mga kriminal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.