Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tracy ayaw pakabog kay Rabiya

0 68

In the news ngayon hindi lang ang pagkapanalo ng Cebuana beauty queen na si Tracy Maureen Perez bilang Miss World Philippines 2021.

Pinag-uusapan kasi ang pagkadapa niya habang rumarampa siya sa naganap na coronation night sa Subic Bay Convention and Exhibition Center.

Hirit tuloy ng bitchy kibitzers, hindi raw ito nagpakabog kay dating Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa pag-eksena pagdating sa timpalak pangkagandahan.

Matatandaang nagkaroon din ng tripping incident si Rabiya sa katatapos na Miss Universe Philippines 2021. Napaluhod din siya sa kanyang farewell walk.

Sey tuloy ng beaucon aficionados na nag-aala Rudy Baldwin, masamang pangitain daw ito dahil posibleng ma-luz valdez daw ang pambato ng Pinas sa 70th Ms. World contest na gaganapin sa Puerto Rico ngayong taon.

Si Tracy ay isang industrial engineering graduate mula sa University of San Carlos . Successor siya ng Kapuso actress na si Michelle Dee.

Maricel galante mag-tip sa waiter

Sa vlog ng Diamond Star na si Maricel Soriano, nakasama niya ang mga anak na sina Marron at Sebastien.

Ibinahagi nila ang kanilang bonding sa panahon ng pandemya tulad ng panonood ng Netflix na magkakasama.

Sinabi rin ng aktres na kung siya ang masusunod ay ayaw muna niyang magkaroon ng nobya ang bunsong si Tien.

Ayaw raw kasi niyang mahati ang atensyon nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang vlog, ibinuking naman ng kanyang panganay na si Marron kung gaano kagalante ang ermat niya. Malaki raw ang puso nito pagdating sa pagtulong.

Ibinigay nitong ehemplo ang pagbibigay nito ng tip sa restaurant staff kapag daw kumakain sila sa labas.

Mas malaki pa raw kadalasan ito sa aktwal na bill.

Ayon naman kay Marya, napagdaanan na raw niya ang ganoong sitwasyon kaya naman kung tumutulong siya ay itinotodo na rin niya.

“Naiintindihan ko ‘yung mga taong ‘yun uuwi walang dalang cash ‘yan pambili ng gatas ng anak. Pagkain nila para sa hapunan… Nakakaawa hindi ba?” ani Maricel.

“Kung meron ka rin palang pantulong e di ipangtulong mo na. Kung tutulong ka, todo na,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa niya, ganoon din daw ang values na ikinikintal niya sa mga kaisipan ng kanyang mga anak.

Bukod sa pag-iipon, iniengganyo rin daw niya ang mga itong matutong magmalasakit sa kapwa lalo na sa mga labis na nangangailangan.

Goma type ibalik ang prangkisa ng ABS

Sa isang panayam, sinabi ni Richard na tutulungan niyang ibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Bukod kasi sa malaki ang utang na loob niya sa Kapamilya network, naniniwala siyang kailangang ibalik sa ere ang operasyon ng Dos. Importante raw ang kontribusyon nito sa paghahatid ng mga napapanahong balita sa buong bansa lalo na sa panahon ng kalamidad at pandemya.

“I am not Richard Gomez now without ABS-CBN,” ani Goma. “I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years,” dugtong niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.