Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trade kay Holiday dinamihan sahog

0 39

Dumami ang involved sa dating nilulutong trade sa pagitan ng Milwaukee at New Orleans na magdadala kay Jrue Holiday sa Bucks para ipares kay Giannis Antetokounmpo.

Nasali na sa usapan ang Oklahoma City at si Thunder center Steven Adams.

Sa pinakahuling report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, papunta na aniya ng New Orleans si Adams, 27, kapalit ng isang first round pick at dalawang future picks pa.

Nakuha ng Pelicans ang 2023 first-rounder mula Nuggets noong draft night kapalit ng No. 24 selection, si RJ Hampton. Galing Milwaukee ang pick na ‘yun, ire-reroute ng Denver sa Oklahoma City bilang bahagi ng trade.

Related Posts

Sa orihinal na deal, ipapalit ng Milwaukee sa New Orleans sina Eric Bledsoe, George Hill at tatlong first-rounders para kay Holiday.

Hindi na tinuloy ng Bucks ang negosasyon kay Bogdan Bogdanovic ng Sacramento na maghahanap na ng ibang malilipatan sa free agency.

Reputasyon ni Holiday, 30, na isa sa best defenders at best two-way guard sa liga. Nag-average siya ng 19.1 points at 6.7 assists noong nakaraang season.

Nagkakahalaga ng $25.4M si Holiday sa 2020-21 season. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.