Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trae, Hawks dinagit Knicks

0 222

NANDIRI si Trae Young nang makita ang video nang fan na nandudura sa kanya habang pa-inbound sa Madison Square Garden noong Game 2 ng Eastern Conference first round.

“I didn’t know if it got on my jersey or my shorts or what not, but I didn’t feel it,” ani Young. “I saw the video, and it’s disgusting.”

Biyernes, kampante nang naglaro sa kanyang homecourt sa Atlanta si Young, nakapaglista pa ng 21 points, 14 assists para ihatid ang Hawks sa 105-94 win at 2-1 lead sa series kontra New York.

Game 4 sa Lunes (araw sa Manila) sa State Farm Arena pa rin.

Sa harap ng 15,743 Hawks fans – pinakamarami ngayong season sa Atlanta – ay nagpasiklab si Young sa unang home playoff game ng career.

May lob pass siya kay John Collins na sinundan ng set up 3, alley-oop kay Clint Capela, matulis na pasa kay Bogdan Bogdanovic na all-alone sa labas ng arc, at isa din kay De’Andre Hunter.

Anim na Hawks pa ang umiskor ng 10 pataas. May 15 si Bogdanovic, 14 kay Collins at 13 points, 12 rebounds kay Capela.

Hindi umubra ang 30 points ni Derrick Rose at 14 points, 11 rebounds ni Julius Randle sa New York. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.