Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Traffic enforcer inararo ng motor

0 53

Patay ang isang matandang traffic enforcer nang araruhin ng humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Quezon City nitong Martes.

Ang biktima ay nakilalang si Arsenio Guevarra Cera, 74-anyos, may asawa, traffic enforcer ng Barangay Police Security Officer (BPSO) at residente ng Brgy. Baesa, QC.

Arestado naman ang suspek na si Francisco Melito, 40, tubong Samar, at naninirahan sa Brgy. Mapulang Lupa, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, bandang alas-6:15 kahapon ng umaga (November 23) naganap ang aksidente sa Quirino Highway malapit sa Baesa Road, Brgy. Baesa.

Sakay umano ang suspek ng Rusi Motorcycle at habang binabaybay ang kahabaan ng highway ay bigla nitong nasalpok ang tumatawid na biktima.

Dahil sa lakas ng impak ay tumi­lapon ang lolo at bumagsak ang ulo sa semento na agad namang naisugod sa Quezon City General Hospital pero binawian din ng buhay alas-7:30 ng gabi. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.