Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Traffic enforcer namaril sa palengke

0 123

SUGATAN ang isang lalaki nang barilin ng traffic enforcer na kanyang nakaalitan sa Bacoor, Cavite.

Sa report, nagpambuno pa ang 2 lalaki na ang isa ay unipormadong traffic enforcer sa palengke sa Zapote sa Bacoor.

Maya-maya pa ay narinig na lang ang putok ng baril saka bumagsak ang biktimang si John Brian Avilo, helper ng isang furniture shop.

Nakuhanan pa ng video ang mga pangyayari kung saan tila sinusubukan pang barilin ng enforcer ang isa pang lalaki na si Jocres Almonte, isang multicab driver.

SM food to go Banner Ad

Tiyempo naman na hindi pumutok ang baril kayat pilit na inagaw ni Almonte ang armas mula sa traffic enforcer na si Arcadio Belarmino, ng Bacoor Traffic Management Department.

Maya-maya pa ay bumitaw si Almonte. Sumakay naman ng motorsiklo ang enforcer at umalis.

Tinamaan malapit sa maselang bahagi ng katawan si Avilo. Nagtamo rin siya ng maraming gasgas sa binti at tuhod dahil sa paggapang.

Pinaghahanap ngayon ng pulis ang suspek na hindi na pumasok sa trabaho. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.