Abante Tonite Interactive

Traffic re-routing sa kapistahan ng Sto. Niño De Tondo

187

Magpapatupad ng re-routing ng mga sasakyan ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ngayong Linggo para sa gaganaping prusisyon ng ­kapistahan ng Sto. Niño sa Maynila.

Alas-dos pa lamang ng madaling-araw ay isasara na ang mga kalsada na dadaanan ng prusisyon na magsisimula sa Sto. Niño De Tondo Church patungo sa Lakandula Street, kanan sa Asuncion, kanan sa Morga, kaliwa sa Juan Luna, kanan sa Pacheco, kanan sa Sta. Ma­ria, kaliwa sa Herbosa, Velasquez at Perla, kanan sa Sta. Maria Street tawid sa J. Nolasco, kaliwa sa L. Chacon Street hanggang sa makabalik sa simbahan.

May 4.7 kilometro ang ruta ng prusisyon at nasa 500 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang itatalaga para magbigay ng seguridad.

Abante Hiring – IT dep

Bubuksan din naman agad ang mga kalsada sa sandaling makadaan na ang buntot ng prusisyon.

Sa re-routing ng mga sasakyan, ­lahat ng public utility jeepney (PUJ) mula sa Caloocan City ay pinakakaliwa sa Tayuman at kanan sa Dagupan papunta sa destinasyon.

Lahat ng PUJ mula sa Tayuman ay dapat dumiretso sa Capulong Road, mag-U turn sa Raxabago Street patu­ngo sa detinasyon.

Ang mga sasakyan naman na dadaan ng Moriones Street ay dapat dumiretso sa Road 10 papuntang destinasyon.
Habang ang mga sasakyan na dadaan sa Lakandula, Asuncion at Sto. Cristo papuntang Divisoria via Zaragosa Street ay dapat kumanan sa Delpan papunta sa destinasyon.

Ang mga sasakyan na manggaga­ling mula sa Infanta Street na dadaan sa Velasquez-Infanta bridge papunta sa C-2 Capulong Road ay pinadidiretso sa Honorio Lopez Boulevard ­papunta sa destinasyon.

Pinakakanan naman sa Jacinto Street ang mga sasakyan na manggagaling sa Vitas papunta sa destinasyon.
Pinayuhan rin ng MPD ang mga matanda at mga may-sakit na iwa­san na ang pagsama sa prusisyon at huwag na rin magdala ng mga bata ang mga deboto.