Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Traffic rerouting’ ikinasa sa SONA

0 100

Nagpalabas si Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Antonio C Yarra ng ‘traffic rerouting’ sa bisinidad ng House of Representatives (HOR) Complex sa Quezon City, bilang paghahanda sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, July 26, 2021.

Ayon kay Yarra, simula July 25, 2021, ang kahabaan ng Commonwealth Avenue (North Bound) mula Quezon City Memorial Circle, Philcoa hanggang Litex at IBP Road ay hahatakin ang mga iligal na nakaparadang sasakyan.

Alas-6:00 ng umaga (July 26), isasara ang Commonwealth Avenue (North Bound) sa mga pribadong sasakyan at pinapayuhang dumaan sa alternatibong ruta.

SM food to go Banner Ad

Para naman sa mga indibidwal o mga commuters na nakatira sa Commonwealth Avenue hanggang Fairview ay maaaring sumakay sa inilaang QCPD Libreng Sakay service.

Maari ring i-lockdown ang kahabaan ng IBP Road kung magkakaroon nang pagbubuhol ng daloy ng trapiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.