Abante Tonite Interactive

Traffic rerouting sa EDSA anniv

538

Inilatag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang traffic management plan para sa ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power.

Isasara ng MMDA ang dalawang lane ng EDSA sa harapan ng People Power Monument at westbound portion ng White Plains Avenue.

Habang two-way traffic scheme naman ang ipatutupad sa White Plains Ave. eastbound.

Pinayuhan naman ng MMDA mga apektadong motorista na gumamit ng tinukoy na alternatibong ruta kabilang ang kahabaan ng EDSA southbound, kanan sa Aurora Boulevard o Santolan, kaliwa sa Gilmore o Ortigas, at kanan sa EDSA patungo sa destinasyon.

Sa EDSA northbound, kumanan sa Kalayaan/Shaw Boulevard/Ortigas, kaliwa sa C5 Road papunta sa destinasyon, kaliwa sa Ortigas patu­ngong Greenhills, kanan sa Santolan hanggang sa destinasyon, kanan sa Ortigas, kaliwa sa Green Meadows o C-5 papuntang destinasyon, gumamit ng zipper lane sa EDSA bago ang Guadix Drive hanggang sa Santolan, hanggang sa destinasyon, ka­nan sa Kalayaan Ave., kanan sa saka mag-u-turn sa C5 Road, diretso sa Katipunan, kaliwa sa B. Serrano, at kanan sa EDSA northbound.

Para sa mga bus, kumanan sa Shaw Boulevard, kanan muli sa Pasig Blvd., diretso sa C-5 Road, diretso sa Katipunan, kaliwa sa B. Serrano, at kanan sa EDSA northbound.

Sa EDSA Ortigas eastbound, diretso sa Ortigas, kaliwa sa Green Meadows o C-5 hanggang sa destinasyon. (Armida Rico)