Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trahedya sa quarantine: Karibal tinodas

0 407

Sa tindi ng galit, kahit na nasa loob ng quarantine facility ay gumawa ng paraan ang isang suspek para mapatay ang kanyang karibal sa New Bataan, Davao del Oro.

Kinilala ang biktima na si RJ Villacencio, na kinailangang tumuloy sa quarantine facility bilang parte ng health protocol pagdating sa Davao del Oro mula sa Siargao.

Sa loob mismo ng quarantine facility ginawa ng suspek na si Rema Villaren ang krimen nang umakyat ito sa bakod at ilang beses na pinagsasaksak si Villacencio.

Kaagad namang sumuko si Villaren sa mga pulis, at nilantad na kaya pinatay si Villacencio ay dahil sa matinding selos.

“Mayroon daw siyang live in partner which is yung babae din na ‘yon ay formely live-in partner naman nitong suspek. Sa side naman nung babae at saka nung sa side nung biktima, hiwalay na sila pero kuwento ng suspek natin, nagkalabuan lang daw,” saad ni New Bataan Police commander Captain Churchill Pablo Angog, Jr.

Dahil dito’y nanawagan ng dagdag na pulis at bantay sa quarantine facility ang LGU sa nasabing lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.