Abante Tonite Interactive

TRAIN 2 lusot sa Kamara

200

Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panu­kalang second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa botong 170-8 at anim na abs­tention, inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill No. 4157 o panukalang Corporate Income Tax and Incentive Reform Act (CITIRA) na nais ibaba ang binabayarang buwis ng mga kompanya na gagawing 20% mula sa 30% pagsapit ng 2029.

Kapalit nito ay aalisin naman ang mga fiscal incentive na tinatamasa ng mga kompanya.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means, ang nasabing panu­kala ay inaasahang magdudulot ng karagdagang 1.5 milyong bagong trabaho sa bansa dahil bababa na ang income tax ng mga small and medium enterprises (SMEs).

“By reducing corporate income tax from 30 to 20 percent, we are mobilizing the dynamism and efficiency, productivity, and innovation—of the domestic corporate sector,” sabi ni Salceda.

Layunin din ng panukala na ikalat ang mga investment sa mga lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga negosyante ng insen­tibo sa loob ng 10 taon habang ang mga nasa Maynila naman ay bibigyan ng limang taon na tax holiday. (JC Cahinhinan)