Abante Tonite Interactive

TRAIN ba o hindi?

By
299

Kung hindi ang Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN) Law ang dahilan ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin, eh ano?

Kung ang kanilang sinisisi ay ang pananamantala ng ilang negosyante, wala ba sa poder ng gobyerno na parusahan sila? Hindi ba sila dapat kasuhan, hulihin at ikulong?

Sa ganoong paraan, mararamdaman ng publiko ang kalinga ng gobyerno. Maipapaunawa rin sa nakararami na hindi ang TRAIN Law ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Hangga’t puro pagtanggi lamang ang ginagawa ng gobyerno at kulang sa aksiyon, ‘di maiwawaksi sa isipan ng mga Filipino na ang TRAIN Law ang kasalukuyang nagdudulot ng pasakit.

Simula nang ipatupad ito, nagkaroon na kasi nang paggalaw sa presyo ng pangunahing bilihin.

Tanging aksiyon laban sa mga mapagsamantalang negosyante ang magpapasubali rito.

BALITAWIT:
‘BAKIT LABIS KITANG MAHAL’ (Boyfriends/Lea Salonga)
Mula nang matsismis siya, nauutal…
Hindi na mapalagay
Sa kakaisip sa isyu…
Lagi na lang wala sa opisina niya…
Kahit nasaan pa man
Anino niya’y ‘di matanaw…
Maging sa pagtulog, nananaginip na.
Pagkat ang nais niya sana…
Iskandalo’y matapos na…
CHORUS:
Ano bang nakita?
Doon sa kanyang opisina.
Merong bang kasama?
At kaya pala nilusob siya…
REFRAIN:
Bakit labis, o kay mahal
Nang kontrata, sarili mong kompanya…
Bakit? Nakapag-divest ka ba?
Sumpa ‘yan, kung hindi mo alam?
Mula nang makilala mo, si Duterte…
Kay ganda ng iyong lagay…
Kontrata ay nabibigay…
Lagi na lang ikaw ang winning bidder daw
Kahit saan ipasok ‘yan.
Ang Vigilant, suwerte naman.
Maging si Pangulo ay kampi sa ‘yo…
Pagkat kung ‘di dahil sa ‘yo…
Ay nandiyan pa si Sereno.
CHORUS:
Kay laki ng kita, (haha)
Kay sipag ng mga guwardiya.
Kahit wala ka (haha)
Buhay na ang iyong pamilya.
REFRAIN:
Bakit labis, labis naman
Nang kontrata, sarili mong kompanya…
Bakit? Nakapag-divest ka ba?
Sumpa ‘yan, kung hindi mo alam?
Lord Ikaw na po ang bahala.