Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Training bubble, kasado sa Baguio

0 87

Inihahanda na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pasilidad nito sa loob ng Teacher’s Camp sa Baguio City para sa isasagawa nitong national bubble training ng lahat ng mga National Sports Associations (NSAs) na sasabak sa sunod-sunod na Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), Southeast Asian Games (SEA) at Asian Games.

Sinabi ni PSC Commissioner at Team Pilipinas SEA Games chef de mission Ramon Fernandez sa programa nito sa PSC Hour sa Radyo Pilipinas 2 na nakatakda na magtungo sa bagong gawang pasilidad ng ahensiya sa Baguio City ang pambansang koponan ng karate at ang bumubuo sa boxing.

“Actually, nagsimula na din ang ibang mga NSAs natin sa kanilang mga bubble training sa iba’t-ibang probinsiya na kanilang pinili at nag-sponsor sa kanila. Iyung mga NSAs na walang mga training camp o venues ang puwede natin na maisama dito sa ating facility dito,” sabi ni Fernandez.

Related Posts

Maliban sa karate at boxing, nagsimula na din ang pagsasanay ng kickboxing sa La Trinidad, Benguet habang nasa probinsiya din ang Muaythai na patuloy ang paghahanda kahit na wala pang partikular na araw at kasiguraduhan kung matutuloy ang pagsasagawa ng ika-31 edisyon ng SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ang archery ay nasa Dumaguete City habang ang canoe-kayak ay nasa Tacloban at ang fencing ay nasa Ormoc.

Ang sepak takraw ay nasa Ilocos Norte habang ang weightlifting ay nasa Bohol, Cebu at Zamboanga. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.