Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak bumulusok sa bangin, 15 sugatan

0 25

Nagkasugat-sugat ang 15 pasahero matapos mahulog ang isang truck na kanilang sinasakyan sa 10 metrong lalim na bangin sa Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga nitong Miyerkoles.

Ayon kay Kalinga Police Provincial Office (KPPO) director P/Col. Davy Vicente Limmong, magkakamag-anak umano ang mga biktima na kinabibilangan ng pitong menor-de-edad at pawang taga-Brgy. San Pascual, Rizal sa nasabing lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Sa report, ayon kay Limmong, pababa na sana kamakalawa sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Nambaran nang mawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Noriel Aragon, 34-anyos, kung kaya dumiretso ito sa bangin.

Sinabi ng pulisya, nagtamo ng sugat sa ulo ang 30-anyos na si Melnard Bawagan Sr., pero nasa ligtas nang kalagayan habang galos at sugat lamang ang tinamo nina Aragon at ng iba pang mga pasahero. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.