Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak inararo Mitsubishi, 2 bebot todas

0 57

Namatay noon din ang dala­wang babae habang sugatan na­man ang dalawang lalaki matapos na banggain at kaladkarin ang kanilang sinasakyang kotse ng isang trak sa Pasig City nitong Lunes ng madaling-araw.

Ang mga biktimang namatay sa aksidente ay nakilalang sina Ayazeh Esgrina, 36-anyos, at Mary Ann Galit, 26, kapwa nakatira sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Sugatan naman sina Jesus Ilagan Canaleta Jr., 30, drayber ng Mitsubishi Mirage na may plakang DOO 8200, at Mal Abdul, 30, residente rin ng Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon sa imbestigador na si P/SSG. Rodolfo Agpuan Jr., dakong alas-2:40 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang malagim na aksidente sa C5 Road Flyover Northbound, Brgy. Ugong, Pasig City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumalabas na kapwa binabag­tas ng kotse at trak ang nabanggit na kalsada na nagmula sa south at patungong north nang aksidenteng mabangga ng trak ang kanang ba­hagi ng Mirage at saka nakaladkad pa nang may ilang metro ang layo.

Sa lakas ng impak ay nagka­yupi-yupi at nawasak ang kanang bahagi ng kotse kung saan nakaupo sina Esgrina at Galit.

Bandang alas-4:21 ng ma­daling-araw ay saka pa lamang natanggal ng mga rescuer ang katawan ng mga biktima dahil sa sobrang pagkakaipit sa nayuping kotse habang sina Canaleta at Abdul na nasa kaliwang bahagi ng sasakyan ay agad na dinala sa ospital.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng Pasig PNP upang madakip ang drayber ng truck na mabilis na tumakas ma­karaan ang aksidente patungong Libis, Quezon City. (Dolly Ca­breza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.