Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak inararo tindahan, mag-ama tigok

0 99

Nasawi ang isang mag-ama habang suga­tan ang tatlong iba pa matapos na araruhin ng isang wing van truck na puno ng kargang bigas ang isang tindahan, kahapon ng madaling-araw sa Barangay Binicuil, Kabankalan City, Negros Occidental.

Kinilala ni Police Lt. Dennis Melgarejo ng Kabankalan City Police ang nasawing biktima na si Roberto Sabio, 44, at ang 17-anyos nitong anak na lalaki, habang sugatan naman sina Clemente España, 69, asawang si Lilia, 69, may-ari ng tindahan, at Romeo Olmido, 57, pawang residente ng Barangay Binicuil ng nasabing bayan.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Arnel Brillantes, nasa hustong gulang, drayber ng wing van truck na sumalpok sa tindahan ng mag-asawang España.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-singko ng madaling-araw habang mabilis na minamaneho ng suspek ang trak na binabagtas ang kahabaan ng highway sakop ng Barangay Binicuil.

Pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada ay hindi nito napansin ang nakaparadang traysikel na kanya umanong iniwasan dahilan upang mawala sa giya ang minamanehong trak at magtuloy-tuloy sa tindahan ng mag-asawang España kung saan nagkakape ang mag-ama. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.