Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak na kargado ng kopra nahulog sa tulay

0 228

NAHULOG sa tulay ang isang cargo truck na may mga kargang kopra sa bayan ng Silago, Southern Leyte, Biyernes ng madaling araw.

Sa report ng disaster management office ng Silago, sinasabing may kargang 19 tonelada ng kopra ang truck. Galing ito ng Panabo City, Davao del Norte at papunta sana sa Lucena City, Quezon Province nang mangyari ang insidente.

Kwento ng pahinante bigla na lang nawalan ng preno ang truck malapit sa inaayos na tulay sa Panali-an Detour Bridge, kaya nahulog ito.

Ligtas naman ngunit nagtamo ng minor injuries and driver at pahinante ng truck. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.