Trak nahulog sa bangin, 5 nadale

LIMA ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Zamboanga del Sur.
Sa report, nangyari ito sa Barangay Abong-abong sa bayan ng Tabina.
May iiwasan umano ang trak na motorsiklong lumipat sa kanilang lane.
Doon na biglang nawalan ng kontrol ang driver at tuluyang nahulog sa bangin ang trak.

Tumilapon naman ang mga sakay na apat na trabahador na nakapwesto sa likuran at naipit ang driver sa kanyang upuan.
Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima. (Kiko Cueto)